last tuesday habang kami ay nagsasagot ng quiz namin sa SQL, may unknown number na tumawag sa aking celfone.. akala ko naman sa e-transcript yun kasi sila yung laging tawag ng tawag sa akin eh. nagulat ako si ms. imelda ng levelup.ph ang tumawag! sabi nya "are you still interested working with levelup.ph?" sabi ko naman "YES MA'AM!" so ayun nga nag-set sya ng schedule for my final interview: July 23, 2008 at 10am. GRABE!!!! akala ko wala na yun kasi isang buwan ang lumipas bago nila ako tinawagan. ndi na nga ako umaasa eh, todo explain naman si ms. imelda na ngayon lang daw talaga may available na date for interview at pasensya na raw kung umasa daw kami.. hehe.. pero ok lang yun, nung binaba ko yung telepono as in nanginginig yung mga kamay ko, ndi ko malaman kung sa nervous ba ako or sobrang excited lang ako hehe..
so ayun na nga July 23, 2008, interview time na. Late nga ako dumating sa makati ave kasi nahirapan akong sumakay ng jeep ng guadalupe (from buendia taft) kasi may mga nanghuhuli na mga pulis kaya ndi tumitigil yung mga pinapara kong jeep kung meron man puno.. ayun 15 mins late, nakakahiya.. hehe.. pero ok lang mabait yung manager.. nakalimutan ko yung name.. so interview time, tanong nya kung bakit daw ako nag-resign, bakit gusto kong magtrabaho sa kanila, my future plans, ano yung mga nilalaro kong online games (syempre pautot sinabi ko na nilalaro ko yung mga games nila) tapos kung may nilalaro ba akong mga PC games (sabi ko naman mga starcraft, etc.). Sabi ng manager, "Ah! oldschool huh?!" feeling ko tuloy gurang na ako.. hehehe.. so wala na nman syang masyadong tinanong, tpos sabi nya "well your credentials are good and i have no problems cause you know how to speak and write english (naks!), so YOU'RE ACCEPTED, CONGRATULATIONS!" nung narinig ko yun sabi ko sa sarili ko ANO RAW? hahaha music to my ears! gusto kong tumalon sa tuwa dun sa loob ng office nya!!! hehe.. tpos ayun nag-explain na sya kung ano yung game na i-hahandle namin, sabi nya RF online.. haha kaya ayun binigyan ako ng installer ng RF online at pag-aralan ko raw.. sabi rin nya hintayin namin si ms. imelda for the job offer..
hehe habang naghihintay ako, nakilala ko na yung future teammate ko, hehe si carlo, ang kulit, kakakilala lang namin close na.. hehe.. ok naman sya eh ang daldal at least may newly found friend na ako kuno... tpos si john din late na nga lang sya nakarating pero naka-abot sya sa contract signing.. ahihihi.. pag nakikita ko to KINIKILIG AKO!!!!

hahaha!!! grabe kaya siguro naging tambay ako sa bahay ng isang taon! hahaha.. worth it ang pagiging palamunin ko dito sa bahay! atlast nakapasok na ako sa dream company ko!!!!! at sa sobrang saya ko di ko mapigilan ang laging mag-smile at ayan nilagnat ako.. hehe..badtrip! may lagnat ako pero todo internet pa rin! WALA LANG SHARE KO LANG!!!!!!!!